5 bangkay ng tropa ni Misuari narekober
December 7, 2001 | 12:00am
Limang naagnas na bangkay ng renegade Moro National Liberation Front (MNLF) ang narekober ng tropa ng militar sa magkahiwalay na lugar sa Zamboanga City at Brgy. Liang, Sulu kamakalawa.
Nabatid sa ulat ng militar, nadiskubre ang apat na hindi kilalang bangkay bandang alas-12 ng tanghali sa liblib na lugar ng Brgy. Liang, Sulu.
Samantala, natagpuan naman ng militar ang ikalimang bangkay na nagngangalang Mubin Ammag sa bisinidad ng Upper Pasonanca, Zamboanga City matapos na nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng 19th Infantry Battalion ni Lt. Natividad.
Nagpapatuloy naman ang pagtugis sa mga tauhan ni MNLF chieftain Nur Misuari sa bulubunduking bahagi ng Zamboanga at Sulu. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest