Tumangging sumapi sa MNLF, sibilyan dinedo
December 4, 2001 | 12:00am
Pinagtulungang bistayin ng bala ng armas hanggang sa mapatay ang isang sibilyan ng tatlong bata ni renegade ARMM Governor Nur Misuari makaraang tumanggi na sumapi sa nagrebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Brgy. Marsada, Talipao, Sulu kamakalawa.
Kinilala ang nasawing biktima na si Sahabil Adjarel, 40, ng nabanggit na barangay, samantala, ang mga suspek ay kinilala ng mga nakasaksi na sina Hadji Idam, Addong Sappal at isang alyas na Haddon.
Sa ulat na nakarating mula sa Camp Aguinaldo, naganap ang pangyayari dakong alas-8 ng umaga matapos magtungo ang mga suspek sa bahay ng biktima.
Ayon sa ilang testigo na nakarinig sa pag-uusap, hinihikayat ng mga rebelde ang biktima na sumapi sa kanilang samahan upang makipaglaban sa tropa ng militar subalit mariing tumanggi.
Subalit muling hinikayat ng mga rebelde ang biktima at nagpatuloy pa rin itong tumanggi kaya sa pagkairita ay isinagawa ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Cristina Timbang | 21 hours ago
By Tony Sandoval | 21 hours ago
Recommended