5 MNLF na ayaw umalis sa Zambo napatay sa sagupaan
November 30, 2001 | 12:00am
Limang miyembro ng renegades forces ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang napaslang matapos na tumangging abandonahin ang Zamboanga City sa pakikipag-engkuwentro sa mga operatiba ng militar sa bulubunduking bahagi ng lungsod kahapon.
Sinabi ni AFP Southcom Chief Lt. General Roy Cimatu, ilang hindi madeterminang bilang umano ng mga MNLF renegades ang nasa bulubunduking bahagi ngayon sa likod ng Kabatanga Complex sa Zamboanga City at sentro ng isang hot pursuit operation ng militar.
Nagpaiwan umano ang mga nabanggit na armadong supporters ni Misuari at hindi kasama sa mahigit 200 nilang mga kasamahan na binigyan ng safe conduct pass patungong Zamboanga del Sur.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa panig ng military troops at mga sibilyan.
Nabatid na patuloy pa rin ang operasyon sa may 2 hanggang 3 kilometro ang layo mula sa kabatangan complex. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest