^

Probinsiya

AFP sa Burnhams: Sasagipin namin kayo !

-
"Buong ingat at dahan-dahan namin kayong ililigtas!"

Ito ang naging tugon kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ipinahayag na labis na pagkainip ng mag-asawang Amerikanong hostage ng mga bandidong Abu Sayyaf na sina Gracia at Martin Burnham sa mabagal na search and rescue operations ng militar sa Basilan.

Ayon kay AFP Southcom Chief, Lt. Roy Cimatu, ibig nilang matiyak na buhay na maililigtas ang nalalabi pang tatlong hostages na kinabibilangan ng mag-asawang Burnham na mag-aanim na buwan ng hostage at isang nurse na si Deborah Yap.

Kasabay nito, nagpahayag ng paniniwala si Cimatu na posibleng propaganda lamang ng Abu Sayyaf ang pagdaing ng mag-asawang Burnham nguni’t hindi umano dapat mabahala ang mga ito dahilan ang kaligtasan ng mga hostages ang prayoridad ng mga operatiba ng militar na nagsasagawa ng operasyon sa Basilan.

Sinabi ni Cimatu na nauunawaan niya ang damdamin ng dalawang banyagang bihag nguni’t hindi dapat na magpadalus-dalos dahilan kinakailangang gamitin ang nararapat na istratehiya upang di malagay sa peligro ang buhay ng mga hostages.

"We’ll get them slowly, we don’t risk their lives," pahayag pa ni Cimatu.

Ginawa ni Cimatu ang pahayag bilang tugon sa panawagan ng mag-asawang Amerikanong hostage na ikinokonsidera nila ang pagnanais ng pamahalaan na mailigtas sila gayunpaman ay masyado na umano silang nababagalan sa proseso para dito.

Sa kabila ng pagkainip ng mag-asawang Burnham, naniniwala naman ang militar na maganda ang ginagawang trabaho ng kanilang "operation teams" para mailigtas ang nalalabing hostages dahilan mula sa mahigit 20 bihag ay tatlo na lamang ang kanilang ililigtas sa kamay ng bandidong grupo.

Magugunita na ang mag-asawang Burnham ay kinidnap ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong nakalipas na Mayo 27 habang ang nurse na si Yap ay kabilang sa apat na hospital staff na binihag naman sa Dr. Jose Torres Hospital sa Lamitan, Basilan noong Hunyo 2. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

AMERIKANONG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BASILAN

BURNHAM

CIMATU

DEBORAH YAP

DOS PALMAS BEACH RESORT

DR. JOSE TORRES HOSPITAL

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with