^

Probinsiya

Pamilya minasaker: 4 patay

-
DAVAO CITY – Apat katao ang iniulat na nasawi, samantalang sugatang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 10-anyos na batang lalaki makaraang ratratin ng mga hindi kilalang lalaking sakay ng motorsiklo habang kumakain sa loob ng bahay sa kahabaan ng Lapu-Lapu St., Digos City, Davao del Sur noong Sabado ng gabi.

Base sa ulat mula sa Southern Police Command sa Camp Catitipan, ang minasaker na pamilya ay nakilalang sina Alfredo Niebres, Jr.; Narcisa Niebres; Benigno Niebres at Eduardo Capestrano, 31.

Si Capestrano ay binawian ng buhay sa ospital bandang alas-11:30 ng gabi may ilang oras matapos ang pagmasaker.

Kasalukuyan namang nasa Davao Medical Center ang sugatang biktima na si Al Jonathan Niebres na tinamaan ng bala ng baril sa kanang tuhod.

Umaabot na sa 10 katao na pinalalagay ng pulisya na biktima ng summary execution ng vigilante group nitong nakalipas na linggo dahil sa pinaghihinalaang mga drug pushers.

Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen kasabay ding bineberipika ang background ng pamilya Niebres kung may kaugnayan sa droga o kaya naging kaalitan ng mga biktima. (Ulat ni Edith Regalado)

AL JONATHAN NIEBRES

ALFREDO NIEBRES

BENIGNO NIEBRES

CAMP CATITIPAN

DAVAO MEDICAL CENTER

DIGOS CITY

EDITH REGALADO

EDUARDO CAPESTRANO

KASALUKUYAN

LAPU-LAPU ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with