Bombay hinoldap bago pinatay

BACOOR, Cavite – Hinoldap saka binaril at napatay ang isang Indian national ng mga hindi kilalang holdaper habang ang biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Brgy. Talaba 7 ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Amrik Singh, 26, may asawa, negosyante ng Palo Alto, Brgy. Habay 1, Bacoor, Cavite.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na hinarang ang biktima ng mga hindi kilalang lalaki bandang alas-6:45 ng gabi sa madilim na bahagi ng nabanggit na lugar at isinagawa ang krimen. (Ulat nina Mading Sarmientoat Cristina Go-Timbang)

Show comments