Pulis Maynila pinatay sa loob ng kanyang van
November 25, 2001 | 12:00am
BACOOR, Cavite Sabog ang utak nang matagpuan sa loob ng kanyang minamanehong Hyundai van ang bangkay ng isang pulis Maynila na pinaniniwalaang itinumba ng dalawang nagpanggap na pasahero sa kahabaan ng Brgy. Molino 4 sa bayang ito kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si SPO2 Stephen Dumlao Martinez na nakatalaga sa Western Police District Mobile Patrol Unit at residente ng Mary Homes Subd., Brgy. Molino 4, Bacoor, Cavite.
Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay namamasada ng kanyang van na may plakang WNZ-163 bago pumasok sa kanyang trabaho bilang pulis.
Natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-4:30 ng madaling araw sa loob ng kanyang minamanehong van sa naturang lugar.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, nakita pa ng security guard na si Renato Catanduanes ang biktima na nagmamaneho ng van papalabas ng gate ng nabanggit na subd. na may sakay na dalawang hindi kilalang lalaki.
Napag-alaman pa sa nakalap na impormasyon ng pulisya na ang biktima ay isinasangkot sa pagkamatay ng isang alyas Donio Lara ng naturang subdivision.
May ilang ulit na umanong nakatatanggap ng pagbabanta ang biktima mula sa isang nangangalang Iñigo Lara kaya kaagad nitong ipina-blotter sa himpilan ng pulisya. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am