^

Probinsiya

Mister na dumalo ng graduation day tinodas

-
TANZA, Cavite – Isang miyembro ng ‘Couples for Chirst’ ang iniulat na binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki habang dumadalo ng graduation day sa loob ng chapel sa Belvedere Subd., Brgy. Paradahan 1 ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktima na dead-on-the-spot dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa tenga ay kinilalang si Joey Rocacorba, 31, may asawa ng phase 1 ng nabanggit na subdivision.

Napag-alaman pa na si Rocacorba ay tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at may planong kumandidatong presidente ng home-owners association sa naturang lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Celino Javier na isinumite kay P/Supt. Romeo Caringal, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang pangyayari bandang alas-7:30 ng gabi habang ang biktima ay nasa loob ng chapel.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, nakatayo pa ang biktima sa isa sa mga upuan sa loob ng nabanggit na lugar nang lapitan ng nag-iisang hindi kilalang lalaki na naka-suot ng camouflage na pantalon at may takip sa mukha.

Hindi inaksaya ng killer na makakilos pa ang biktima at pinaputukan sa tenga na ikinasawi nito. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

AYON

BELVEDERE SUBD

BRGY

CAVITE

CELINO JAVIER

CRISTINA GO-TIMBANG

JOEY ROCACORBA

MADING SARMIENTO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROMEO CARINGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with