Mister nadatnang patay si misis

SANGAY, Camarines Sur – Ganoon na lamang ang panlulumo ng isang lalaki nang sa kanyang pag-uwi ay nadatnan niyang isa nang malamig na bangkay ang kanyang misis na tadtad ng mga taga ang ibat-ibang bahagi ng katawan nito sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Sibugan, kahapon.

Ang nasawi ay nakilalang si Leonor Belen, 46 at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, dakong alas-6:40 ng umaga kahapon nang sa pag-uwi ni Rolando Belen sa kanilang tahanan buhat sa trabaho ay nakita nito ang asawa na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

May teorya ang pulisya na pinasok ng mga hindi pa kilalang suspek ang bahay ng biktima sa pagitan ng alas-2 at alas-4 ng madaling araw habang ito ay nag-iisa.

Ayon kay Rolando, na silang mag-asawa ay tahimik na namumuhay at wala silang nakagalit.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo ng pagpatay sa biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments