^

Probinsiya

3 La Salle coeds nasawi sa car crash

-
SILANG, Cavite – Tatlong kababaihan na estudyante ng Dela Salle University ang agad nasawi habang ang tatlo pa nilang kasama ay nasa kritikal na kalagayan matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang kotse sa nakaparadang cargo truck sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Buho, kahapon ng umaga.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ang mga biktimang sina Shirley Jimena, 17, ng Pacita, San Pedro, Laguna; Airra Cari Chua, 16, ng Meadow Park, Bacoor, Cavite at Dasha Rodriguez, 16, ng Casimiro Village, Las Piñas City, kapwa mga estudyante ng nabanggit na eskwelahan at kumukuha ng kursong Business Management.

Samantala ang tatlo pang estudyante na nasa kritikal na kondisyon sa Estrella Hospital ay nakilalang sina Joseph Anthony Lorenzo, 17, ng Regency Executive Town Homes, Dasmariñas, Cavite; Grace Anne Santos, 16, ng Alabang, Muntilupa City at Ma. Lourdes Gutay, 16, ng San Nicolas, Bacoor, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga ay lulan ng Toyota Corolla Sedan (UKD-692) ang mga biktima na minamaneho ni Lorenzo at mabilis na binabagtas ang nasabing highway para magtungo sa Tagaytay City.

Nag-overtake umano ang kotse ng mga biktima subalit may kasalubong itong sasakyan at para makaiwas sa pagsalpok ay muling nitong kinabig ang manibela.

Subalit hindi na makontrol ni Lorenzo ang manibela hanggang sa sumalpok ito sa nakaparadang Isuzu cargo truck (PSE-240).

Sa lakas ng pagkasalpok ng kotse sa truck ay agad na binawian ng buhay ang mga nasabing biktima. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

AGUINALDO HIGHWAY

AIRRA CARI CHUA

BACOOR

BUSINESS MANAGEMENT

CASIMIRO VILLAGE

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DASHA RODRIGUEZ

DELA SALLE UNIVERSITY

ESTRELLA HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with