^

Probinsiya

Lolo iniligtas sa bitay ng SC

-
Hindi inayunan kahapon ng Korte Suprema ang hatol na kamatayan na ipinataw ng mababang korte laban sa isang lolo na napatunayang gumahasa sa sariling apo noong Oktubre 1997 sa Naga City.

Sa ipinalabas na desisyon ni Supreme Court Chief Justice Hilario Davide, Jr. pinalitan na lamang ng habambuhay ang hatol ng Naga City Regional Trial Court Branch 25 noong Nobyembre 6, 1997 na bitay sa akusadong si Alejandro de los Santos.

Base sa rekord ng korte, hinalay ng akusado ang biktima sa sariling bahay noong Oktubre 4, 1997 at naulit pa ito noong Disyembre 8, 1997.

Dahil sa umabot na sa edad na 70-anyos ang akusado ay nagdesisyon naman ang Korte Suprema na baliktarin sa habambuhay ang hatol. (Ulat ni Grace Amargo)

ALEJANDRO

DAHIL

DISYEMBRE

GRACE AMARGO

KORTE SUPREMA

NAGA CITY

NAGA CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NOBYEMBRE

OKTUBRE

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with