Mag-asawa timbog sa drug bust
November 13, 2001 | 12:00am
ATIMONAN, Quezon Isang mag-asawa na pinaniniwalaang nagpapakalat nang ipinagbabawal na gamot ang inaresto ng mga elemento ng Quezon PNP Intelligence and Investigation Division sa isinagawang drug bust operation sa Riverside Zone 4 sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Supt. Eduardo Samoco, hepe ng pulisya sa bayang ito ang mga dinakip na sina Alejandro Eroles, 30 at ang asawa nitong si Analiza, 33 na kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Dahil sa kumalat ang balita na ang mag-asawa ay responsable sa pagpapakalat ng droga sa kanilang barangay ay nagsagawa ang pagtitiktik ang pulisya.
Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang buy bust operation sa bahay ng mga suspek bandang alas-2 ng hapon sa pamumuno ni P/Supt. Rueben Theodore Sindac.
Nakumpiska mula sa mag-asawang tulak ang hindi nabatid na bilang ng plastic sachet ng shabu at kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pinagmumulan ng droga na ibinebenta sa mga estudyante. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest