Muslim priest kinidnap
November 13, 2001 | 12:00am
Isang paring Muslim ang kumpirmadong iniulat na kinidnap ng limang hindi kilalang armadong kalalakihan habang nakatayo sa compound ng Crossing Islamic Center sa Pioneer Avenue, Tagum City, Davao del Norte kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni AFP Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva ang biktima na si Imam Hadji Said Cosain na naglilingkod bilang Imam (pari) sa nabanggit na Mosque.
Sa ulat na nakarating kay Villanueva, ang biktima ay tinutukan saka kinaladkad ng mga armadong kalalakihan at isinakay sa isang kulay itim na L-300 van na walang plaka.
Hindi makuhang manlaban ng mga nakasaksi dahil sa may mga hawak na malalakas na kalibre ng baril ang mga kidnaper.
Subalit kaagad naman ipinagbigay alam ng mga nakasaksing sina Hadji Salik Mangondatu at Hadji Abdul Madedlinog ang pangyayari sa himpilan ng pulisya sa Tagum na ngayon ay nagsasagawa ng manhunt operasyon.
Inaalam pa ng pulisya kung ang mga kidnaper ay kabilang sa lost command ng Moro Islamic Liberation Front na tinaguriang Pentagon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended