^

Probinsiya

8 mangingisda nawawala sa karagatan ng Zambales

-
STA. CRUZ, Zambales – May walong kalalakihang mangingisda ang iniulat na nawawala sa karagatang sakop ng Zambales noong kasagsagan ng bagyong ‘Nanang’.

Ang mga biktimang hanggang ngayon ay hindi nakababalik ng kanilang bahay ay nakilalang sina Rodolfo Tacdag, 40; Danilo Alvarez, 34; Magno Orgando, 46; John Antigo, 35; Alfredo Orgando, 37; Cesto Kuno-Kuno at dalawa pang hindi nabatid ang mga pangalan na pawang mga residente ng Brgy. Lipay ng bayang ito.

Sa impormasyon nakalap ng pulisya, ang walong mangingisda ay pumalaot sa nabanggit na karagatan noong nakaraang Linggo ng madaling araw subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay inabutan ng bagyo.

Natagpuan ang bangkang sinakyan ng mga biktima malapit sa Scarborough Shoal na pinaniniwalaang naipadpad ng malakas na alon subalit walang natagpuang mga bangkay at palatandaan na buhay pa ang mga biktima. (Ulat ni Erickson Lovino)

vuukle comment

ALFREDO ORGANDO

BRGY

CESTO KUNO-KUNO

DANILO ALVAREZ

ERICKSON LOVINO

JOHN ANTIGO

MAGNO ORGANDO

RODOLFO TACDAG

SCARBOROUGH SHOAL

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with