Ang mga biktima na ngayon ay nasa University Medical Center ay kinilalang sina Consuelo Alarcon, 33; Aurea Herrera, 45; Rodrigo Guingon, 35; Crisanto Guintong, 55; Marianne Nieves; Maria Cristina Esguerra, 23 at Alex Moreno, driver ng jeep.
Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-7:30 ng umaga matapos na mawalan ng kontrol ang manibela ng jeep (NWR-176) na minamaneho ni Moreno at sumalpok sa poste ng Meralco. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)