^

Probinsiya

Sinundot ng konsensiya sumuko

-
SAN JOSE CITY – Marahil sinusundot ng kanyang konsensiya kaya sumuko kahapon sa pulisya ang isa sa dalawang suspek na pumatay sa isang lalaki na kasamahan nila sa trabaho sa Barangay Canuto Ramos ng lungsod na ito.

Inamin ng suspek na si Marcelo Estorhio, nasa hustong gulang sa mga awtoridad na isa siya sa dalawang lalaki na sumaksak at nakapatay kay William Amion, 34, may-asawa, tubong Taboso, Negros Occidental at stay-in laborer sa Solar Dryer Compound sa naturang lugar.

Sinabi ni Estorhio na hindi niya alam ang tunay na pangalan ng isa pang suspek na nagtatago pa rin at kinilala niya ito sa alyas na Orly.

Sa imbestigasyon ng San Jose City Police, nabatid na dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa ng naganap ang insidente habang ang tatlo ay masayang nag-iinuman sa loob mismo ng compound ng patuyuan ng palay na pag-aari ni Mrs. Rebecca Salvador.

Sinabi ni Estorhio na nang gabing napatay nila ang biktima ay hindi na umano siya makatulog at nakokonsensiya sa pangyayari dahil na rin ang biktima ay isang mabait na kasamahan sa trabaho. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BARANGAY CANUTO RAMOS

CHRISTIAN RYAN STA

DRYER COMPOUND

ESTORHIO

MARCELO ESTORHIO

MRS. REBECCA SALVADOR

NEGROS OCCIDENTAL

SAN JOSE CITY POLICE

SINABI

WILLIAM AMION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with