Ito ang nabatid kahapon base sa report na natanggap kahapon ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) Executive Director Ret. Major General Melchor Rosales.
Sinabi ni Rosales na nagpalabas na rin ang kaniyang tanggapan ng P2M emergency calamity fund at 400 sako ng bigas mula sa Office of the President para sa Camiguin Island na siyang grabeng sinalanta ng malawakang flashflood bunga ng pananalasa ng bagyong Nanang.
Sinabi ni Rosales na tinatayang 30 na handheld radio sets ang kinakailangan para suportahan ang on-going search, rescue at recovery operations sa mga biktima ng nasabing bagyo.
Kaugnay nito, pinakilos na ni Army Chief Lt. Gen. Jaime de los Santos ang AFP Viscom Command na tumulong sa mga ahensiya ng gobyerno sa search and rescue operations sa mga biktima gayundin ang paggamit ng army trucks sa transportasyon ng mga relief goods para sa mga evacuees. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)