^

Probinsiya

83 death toll, 190 nawawala sa bagyong Nanang

-
Umaabot na sa kabuuang 83 katao ang death toll, 20 ang nasugatan habang 190 pa ang nawawala sa pananalasa ng malawakang flashflood bunga ng hagupit ng bagyong Nanang sa Southern Luzon, Northern Mindanao at Visayas Region.

Ito ang nabatid kahapon base sa report na natanggap kahapon ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) Executive Director Ret. Major General Melchor Rosales.

Sinabi ni Rosales na nagpalabas na rin ang kaniyang tanggapan ng P2M emergency calamity fund at 400 sako ng bigas mula sa Office of the President para sa Camiguin Island na siyang grabeng sinalanta ng malawakang flashflood bunga ng pananalasa ng bagyong Nanang.

Sinabi ni Rosales na tinatayang 30 na handheld radio sets ang kinakailangan para suportahan ang on-going search, rescue at recovery operations sa mga biktima ng nasabing bagyo.

Kaugnay nito, pinakilos na ni Army Chief Lt. Gen. Jaime de los Santos ang AFP Viscom Command na tumulong sa mga ahensiya ng gobyerno sa search and rescue operations sa mga biktima gayundin ang paggamit ng army trucks sa transportasyon ng mga relief goods para sa mga evacuees. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

ARMY CHIEF LT

CAMIGUIN ISLAND

EXECUTIVE DIRECTOR RET

JOY CANTOS

LILIA TOLENTINO

MAJOR GENERAL MELCHOR ROSALES

NANANG

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

NORTHERN MINDANAO

OFFICE OF THE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with