^

Probinsiya

2 binatilyo na kumidnap ng dalagita nadakip

-
Dalawang binatilyong kidnappers ang naaresto ng mga awtoridad matapos na dukutin nila ang isang 14 anyos na dalagita sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City.

Umiiyak pa ng madakip ang mga suspek na nakilalang sina Alvin Espiritu at Yasser Isaak kapwa 14 anyos at residente ng nasabing lungsod nang ito ay positibong itinuro ng biktimang si Naila Munib.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang mga suspek ay naaresto ng mga awtoridad nang matunton ang lugar na pinagtataguan ng mga ito sa biktima matapos ang masusing surveillance operation.

Napag-alaman na ang biktima ay kinidnap ng mga suspek nitong nakalipas na Nobyembre 4 habang naglalakad kasama ang kaibigan nitong si Nuraida Bairula para ideliber ang kanilang tindang pusit sa Sta. Catalina ng nasabing lungsod.

Bigla na lamang umanong hinarang ng mga suspek ang dalawa at dito ay tanging si Munib ang sapilitang kinaladkad habang iniwan naman si Bairula na siyang nagsumbong ng insidente sa mga magulang ng biktima na dumulog naman sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALVIN ESPIRITU

BAIRULA

BIGLA

CAMP CRAME

JOY CANTOS

NAILA MUNIB

NURAIDA BAIRULA

YASSER ISAAK

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with