^

Probinsiya

6 kidnaper ng pari todas sa AFP

-
Anim na miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) group sa ilalim ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) lost command na responsable sa pagkidnap kay Italian priest Fr. Giuseppi "Beppe" Pierantoni ang napaslang sa pakikipag-engkuwentro sa mga operatiba ng militar sa hangganan ng Ipil at Naga sa Zamboanga Sibuguey Province kahapon ng madaling araw.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Task Force Giuseppi Commander Brig. Gen. Angel Atutubo sa isang phone interview.

Gayunman, ayon kay Atutubo, dalawa sa anim na napatay ay nakilalang sina Wahid Walil at Safari Canda samantalang ang apat ay patuloy pa ring bineberipika ang mga pangalan kung saan ang bangkay umano ng mga ito ay nasa munisipyo ng Ipil sa nasabing lalawigan.

Batay sa sketchy report na nakalap ni Atutubo, naganap ang encounter dakong alas-3:30 ng madaling-araw malapit sa boundary ng Ipil at Naga sa nasabing lalawigan.

"Mga tauhan sila ni Akiddin Abdusalam alyas Commander Kiddie, yan ang natanggap natin na information," ani Atutubo.

Ang grupo ni Commander Kiddie ang itinuturong responsable sa pagdukot sa Italyanong pari.

Si Kiddie ay matatandaang napaslang matapos na manlaban sa awtoridad nang madakip ilang oras matapos na dukutin ang Italyanong pari noong Oktubre 17 habang nagmimisa sa Sacred Heart of Our Fathers sa bayan ng Dimataling, Zamboanga del Sur. (Ulat nina Joy Cantos at Roel Pareño)

vuukle comment

AKIDDIN ABDUSALAM

ANGEL ATUTUBO

ATUTUBO

COMMANDER KIDDIE

ITALYANONG

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

ROEL PARE

SACRED HEART OF OUR FATHERS

SAFARI CANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with