2 pulis niratrat sa canteen
November 6, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang baguhang miyembro ng pulisya ang iniulat na nasawi habang ang kabaro nito ay malubhang nasugatan makaraang ratratin ng mga hindi kilalang armadong lalaki at babae sa Brgy. San Rafael, Puerto Princesa City, Palawan kamakalawa ng umaga.
Tadtad ng bala ng malakas na kalibre ng baril ang biktimang si PO1 Ronnie Dalengdag, samantala, ang kasamahan nitong pulis din na ngayon ay nasa Palawan Adventist Hospital ay nakilalang si PO1 Noel Docto na kapwa nakatalaga sa 413rd Police Mobile Group na nakabase sa Taytay, Rizal, Palawan.
Nabatid sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang mga biktima ay sakay ng pampasaherong jeep patungong police station nang magpasyang bumaba sa Leoning canteen sa Brgy. San Rafael upang kumain.
Lingid sa kaalaman ng mga biktima ay namataan sila ng grupo ng kilabot na "Commando Gang" dakong alas-11 ng umaga.
Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari , habang papalapit ang mga suspek sa kinauupuan ng mga biktima ay sunud-sunod itong nagpaputok kaya hindi na nakaganti ang dalawang pulis. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended