^

Probinsiya

P30-M ari-arian naabo

-
CABANATUAN CITY – Tinatayang aabot sa halagang P30 milyon ari-arian ang naabo habang may 183 stalls ang tinupok ng apoy sa pampublikong palengke ng Sangitan, Magsaysay Norte noong nakaraang Sabado ng gabi.

Napag-alaman sa ulat ni Chief Insp. Gregorio Antonio, hepe ng Bureau of Fire Protection sa lungsod na ito, nagsimulang masunog ang naturang palengke dakong alas-11:45 ng gabi.

Dahil sa mabilis na pakikipagtulugan at responde ng mga miyembro ng pamatay-sunog mula sa Gapan, San Jose City, Quezon, Licab, Cabiao, Sta. Rosa, Muñoz, Talavera Bongabon, San Leonardo at San Isidro ay kaagad naman naapula ang sunog dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga tauhan ni Antonio, nagsimula ang apoy sa naiwang sinding kandila sa tindahang pag-aari ng pamilya Pasarda.

Dahil sa pawang mga chlorox, mantika at iba pang kemiko ang laman ng katabing tindahan ay mabilis na kumalat ang apoy sa may 183 stalls at walang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF INSP

CHRISTIAN RYAN STA

DAHIL

GREGORIO ANTONIO

MAGSAYSAY NORTE

SAN ISIDRO

SAN JOSE CITY

SAN LEONARDO

TALAVERA BONGABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with