^

Probinsiya

Pagpapasabog sa 8 linya ng Napocor, napigilan

-
Napigilan ang tangkang pagpapasabog sa walong power line ng National Power Corporation matapos itong taniman ng eksplosibo ng mga miyembro ng separatistang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Lanao del Sur kamakalawa.

Bunga nito, naiwasan ang pinangangambahang malawakang blackout sa lalawigan at mga karatig lugar sa Mindanao Region na sinusuplayan ng kuryente ng NAPOCOR.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, bandang alas-12:00 ng tanghali ng matagumpay na mai-diffuse matapos matanggal ang mga eksplosibong itinanim ng mga rebelde sa walong KV69 Kibawe Line Steel Tower ng NPC na matatagpuan sa mga Brgys. Guimba, Sugod at Pugaan; pawang sa Marawi City ng nabanggit na lalawigan.

Napag-alaman na aksidenteng nadiskubre ng mga linemen ng kumpanya ang gagawing pananabotahe ng mga rebeldeng MILF sa bolts at braces ng steel towers na nilagyan ng eksplosibo, pinaniniwalaang isinagawa ito noong gabi. Agad namang humingi ng saklolo ang pangasiwaan ng NPC sa mga bomb experts ng mga awtoridad para maalis ang mga nakakabit na eksplosibo.

Base sa imbestigasyon, ang mga rebeldeng MILF na nagtanim ng eksplosibo ay pinamumunuan ni Elias Bayabao, Battalion Commander ng 2nd Battalion sa ilalim ng 303rd Brigade ng Bangsa Islamic Armed Forces.

Kabilang sa mga sinabotaheng tower na tinaniman ng eksplosibo ay ang Tower Nos. 5, 10, 15, 20, 25, 30, 45 at 50 ng NPC KV69 Kibawe Line Steel Tower.

Gayundin, posible rin umanong paghihiganti ito bunsod ng patuloy na pagkagapi ng mga rebeldeng MILF sa pakikipagbakbakan sa tropa ng mga sundalo. (Ulat ni Joy Cantos)

BANGSA ISLAMIC ARMED FORCES

BATTALION COMMANDER

CAMP AGUINALDO

ELIAS BAYABAO

JOY CANTOS

KIBAWE LINE STEEL TOWER

MARAWI CITY

MINDANAO REGION

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with