Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jing-Jing Figueroa, isang empleyado ng Economic Processing Zone Authority (EPZA) sa Rosario, Cavite at residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilala lamang sa alyas Boy Negro ng naturang din lugar.
Naganap ang krimen bandang alas-10:20 ng gabi nang tawagin ng suspek ang biktima sa hindi nabatid na dahilan at biglang paputukan ng baril, ayon sa ulat ng pulisya. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)