2 miyembro ng kidnap for ransom todas sa barilan
November 2, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS Dalawang miyembro ng kilabot na Hukbong Magpapalaya ng Bayan (HMB) at Kidnap-For-Ransom gang kabilang ang lider nito ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang nadakip makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Bulacan pulis sa Sitio Galas, Brgy. Kamias, San Miguel ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing HMB na sina Rocky Maon, 35, may asawa, alyas ka Rocky at Enrique Mangaluz, alyas kumander Tanggol/Saresa, 40, may asawa.
Samantala, ang mga nadakip naman ay kinilalang sina Romeo Gallo, alyas Ka Amang, 36 at Rudy Ancheta, 41, na pawang mga residente ng naturang lugar.
Nakumpiska sa mga nasawi at nadakip na HMB ang malalakas na kalibre ng baril na ginagamit sa mga serye ang kidnapping, highway robbery, extortion at carnapping sa nabanggit na lalawigan at karatig pook.
Sa isinumiteng ulat kay Bulacan Police Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan na ang mga suspek ay magkakasamang nag-iinuman sa nabanggit na barangay kaya bumuo agad sila ng grupo para masakote ang mga ito.
Papalapit pa lamang ang grupo ng Bulacan PNP ay sinalubong na sila ng sunod-sunod ng putok mula sa mga suspek.
Napilitang gumanti ang mga elemento ng Bulacan PNP na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa at pagkakadakip ng dalawa pang kasamahan.
Ayon sa mga awtoridad, ang grupo ni Mangaluz ay responsable sa pagpatay sa mayamang negosyanteng si Antonio Feliciano ng Bulacan noong 1999; pagpatay sa isang tauhan ng pulisya sa Nueva Ecija; dalawang Brgy. chairman sa Bulacan noong 1999 at sa security guard ni dating Congressman Bodjie Cabochan.
Nasamsam sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M16 armalite rifle, M14, caliber. 45, mga litrato ng grupo ni Mangaluz at subersibong dokumento na pinaniniwalaang may kinalaman sa operasyon ng nabanggit na grupo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended