Police colonel dedo sa pananambang
October 30, 2001 | 12:00am
Binistay ng bala hanggang sa mapatay ng limang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) liquidation squad ang isang police colonel sa naganap na madugong ambus sa Capaz, Tarlac.
Kinilala ang napaslang na opisyal na si P/Supt. Arturo Pabustan, director ng Tarlac Police Mobile Group (PMG).
Batay sa sketchy report na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-7:05 ng umaga kahapon nang maganap ang ambus sa loob ng tahanan ng biktima sa Brgy. San Isidro, Capaz, Tarlac.
Ayon kay Supt. Villano Butay, Tarlac PNP Operations Chief, ang biktima ay kasalukuyang lulan ng kanyang service vehicle nang harangin ng mga suspek na pawang armado ng malalakas na kalibre ng baril.
Agad umanong pinaulanan ng punglo ng mga suspek ang biktima na hindi na nakuhang makaganti ng putok matapos mapuruhan ng mga tama ng bala sa mga sensitibong bahagi ng katawan.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na ang biktima ay matagal ng nasa hitlist ng mga rebeldeng kumunista.
Matapos na makasigurong patay na ang kanilang target, ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest