Tindahan ng pekeng Fundador sinalakay
October 28, 2001 | 12:00am
GUMACA, Quezon Sinalakay ng pinagsanib na elemento ng 416th Police Provincial Mobile Group (PPMG) at Quezon CIDG ang isang tindahang gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng Fundador sa Brgy. Rizal sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.
Ayon sa ulat na tinanggap ni Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP director, nakilala ang may-ari ng tindahan na si Lolita Sobreviñas.
Isinagawa ang raid dakong alas-4:30 ng hapon sa Zey-Yes Wine and Liquor store na nagresulta ng pagkakakumpiska sa may 49 bote ng pekeng Fundador at mga paraphernalia sa paggawa ng alak.
Isinilbi ng mga awtoridad ang isang search warrant na inisyu ni Judge Virgilio Alfajora ng RTC Branch 58, Lucena City upang isagawa ang raid sa nasabing tindahan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest