Lider ng Abu na may patong na P1M nalambat

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa pang lider ng Abu Sayyaf na may patong sa ulong P1M sa isang operasyon sa Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang naarestong Sub-Commander ng Abu Sayyaf na si Sahak Abbas alyas Commander Faizal Abbas, umano’y sangkot sa nangyaring pagdukot sa may 20 katao kabilang na ang mag-asawang Amerikanong sina Martin at Gracia Burnham matapos salakayin ang Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 27.

Si Commander Faizal ay nasakote ng mga elemento ng Mindanao Police Task Force (MPTF) sa pamumuno ni SPO2 Salim Sahaji bandang alas-8 ng umaga habang kumakain sa loob ng Native Restaurant sa Lorenzo St., Zamboanga City.

Kabilang si Commander Faizal sa tinutugis na mga lider ng mga bandido na may reward kapalit ng kanyang pagkadarakip. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments