^

Probinsiya

Most wanted nakipagbarilan sa pulis, patay

-
TAGAYTAY CITY, Cavite – Isang killer na nakatala bilang ika-19 sa dalawampung most wanted person sa region 4 ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa isinagawang operasyon ng Cavite PNP sa Brgy. Guinhawa, South Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang napatay na most wanted na si Ruel Nuestro Ferma, 36, may asawa, walang trabaho ng nabanggit na lugar.

Si Ferma ay may nakabinbing kaso ng pagpatay sa sala ni Judge Eleoterio Guerrero ng Tagaytay City Regional Trial Court Branch 16.

Nasugatan naman sa isinagawang operasyon sina PO1 Bernardo Camposanto ng Tagay City police station at civilian agents na si Allan Benuza ng Cavite PPO na tinamaan ng bala ng baril sa kamay at braso.

Nabatid sa pagsisiyasat ni SPO2 Leonardo Mojica, naganap ang pangyayari bandang alas-2:30 ng hapon habang isinisilbi ng mga awtoridad ang arrest warrant kay Ferma habang ito ay nakikipag-inuman ng alak sa mga kapitbahay.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, imbes na sumuko ay mabilis na nagbunot ng baril si Ferma at sunud-sunod na nagpaputok sa grupo ng arresting officers na ikinasugat nina Camposanto at Benuza.

Subalit nagpulasan ang kainuman ni Ferma dahil sa gumanti naman ng putok ang grupo ng pulisya na ikinasawi nito. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Ed Amoroso)

ALLAN BENUZA

BERNARDO CAMPOSANTO

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

ED AMOROSO

FERMA

JUDGE ELEOTERIO GUERRERO

LEONARDO MOJICA

RUEL NUESTRO FERMA

SI FERMA

SOUTH TAGAYTAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with