^

Probinsiya

Rapist hinatulan ng 2 habambuhay

-
CAMARINES NORTE – Hinatulan ng dalawang habambuhay na pagkabilanggo ang isang 31-anyos na lalaki makaraang mapatunayang gumahasa sa isang 14-anyos na batang babae noong Marso 1997 sa Putok 3, Brgy. Tuaca ng lungsod na ito.

Sa limang pahinang desisyon ni Judge Sancho Dames II ng Regional Trial Court Branch 38, pinatawan ng dalawang habambuhay ang akusadong si Martin Aliño ng nabanggit na lugar.

Bukod sa hatol ng korte, pinagbabayad din si Aliño ng halagang P100,000 bilang moral damages sa biktima.

Kasunod nito, sa Malolos, Bulacan naman ay pinatawan din ng habambuhay ang isang 19-anyos na lalaki samantalang sa dalawa nitong kasamahan ay inihatol ng korte ang 10 hanggang 17 taon pagkakulong makaraang mapatunayan ang mga akusado sa kasong pagnanakaw at pagpatay sa isang 65-anyos na biyuda noong Hulyo 1998.

Batay sa 12-pahinang desisyon ni Judge Crisanto Concepcion ng Regional Trial Court Branch 12, hinatulan ng habambuhay si Allan Abadillo ng Brgy. Mabolo habang si sina Ariel Barredo, 18 at Marzan Fuertes, 18, ay makukulong ng 10 hangang 17 taon.

Bukod sa hatol ng korte ay pinagbabayad din ang mga akusado ng halagang P145,000 sa mga naulila ng biktima. (Ulat nina Francis Elevado at Efren Alcantara)

vuukle comment

ALLAN ABADILLO

ARIEL BARREDO

BRGY

BUKOD

EFREN ALCANTARA

FRANCIS ELEVADO

JUDGE CRISANTO CONCEPCION

JUDGE SANCHO DAMES

MARTIN ALI

MARZAN FUERTES

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with