NPA patay sa pulis; 2 amasona tiklo

Magallanes,Cavite– Isang miyembro ang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nasawi habang dalawa sa kasamahan nito ang nadakip ng mga elemento ng Magallanes PNP sa naganap na sagupaan kahapon ng madaling araw sa Brgy. Pacheco, Sitio Imus ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawing NPA na si Ka Erwin, samantalang ang dalawang nadakip na amasona ay kinilalang sina Jocelyn Dela Cruz, alyas Ka Aiza at Alma Alvanillo, alyas Ka Anjo.

Sa isinumiteng ulat kay OIC Cavite PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Rizaldo Tungala, naganap ang sagupaan dakong alas-5:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng internal conducting operations ang grupo ng PNP-Special Weapon And Tactics (SWAT).

Dito namataan ng grupo ng pulisya ang may 12 armadong NPA na naglalakad sa nabanggit na barangay.

Tumagal ng may 10 minuto ang palitan ng putukan hanggang sa umatras na lamang ang mga rebelde dahil sa isa sa kanila ang nalagas at dalawa pa ang nadakip sa isinagawang follow-up operations. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

Show comments