CAFGU dinukot bago pinugutan ng ulo ng Sayyaf

ZAMBOANGA CITY (AFP) — Isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang iniulat na pinugutan ng ulo makaraang lusubin at dukutin ng mga bandidong Abu Sayyaf ang biktima sa bayan ng Kalibugan, Basilan kamakalawa.

Kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng biktima na tadtad ng bala ng malalakas na kalibre ng baril sa katawan at walang ulo nang matagpuan ng mga awtoridad, ayon kay Basilan police chief Bansali Jabarani.

Sinabi ni Jabarani, na ang grupo ng bandidong Sayyaf na may hawak sa dalawang American nationals at siyam na Pinoy ay mabilis na nagsitakas makaraang matunugang may nagrerespondeng militar.

Idinagdag pa ni Jabarani na nagpapatuloy ang pagmonitor sa ikinikilos ng mga pinaghihinalaang may kaugnayan sa nabanggit na grupo at pagbibigay ng seguridad sa mga residente sa bayan ng Lantawan, Basilan island.

Show comments