Safehouse ng mga kidnappers ng Italian priest kinordon
October 22, 2001 | 12:00am
Napapaligiran na ng tropang militar ang mga entry at exit points sa lugar na pinagdalhan ng mga kidnappers ni Italian priest Fr. Giuseppi "Beppe" Pierantoni sa rehiyon ng Mindanao.
Ito ang nabatid kahapon kay AFP Southcom chief, Lt. Gen. Roy Cimatu sa isang interview.
Ayon kay Cimatu, tukoy na nila ang lugar na pinagtataguan ng mga kidnappers kay Fr. Pierantoni.
Gayunman, tumanggi si Cimatu na tukuyin ang lugar upang hindi madiskaril ang isinasagawang operasyon laban sa grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Lost Command na tumangay sa dayuhang pari noong nakalipas na Miyerkules ng gabi sa Dimataling, Zamboanga del Sur.
Si Pierantoni ay huling namataang tinangay ng mga kidnappers patungo sa lugar na pinamumugaran ng MILF Lost Command.
Mahigpit din ang ginagawang pagbabantay ng binuong "Task Force Giuseppi" sa ilalim ng pangangasiwa ni Brig. Gen. Angel Atutubo na binubuo ng dalawang brigades ng Phil. Army laban sa galaw ng mga abductors ni Pierantoni na umanoy mula sa grupo ni Commander Ramsey, kasamahan ng nasawing MILF Lost Command leader na si Akiddin Abdusalam alyas Kumander Kiddie.
Kasunod nito, handang tumulong uli si Libyan Ambassador to the Philippines Salem Adem para sa pakikipagnegosasyon sa ligtas na paglaya ni Pierantoni.
Ang mga awtoridad ay humingi na umano ng tulong kay Bishop Fernando Capalla at dating Lanao del Sur Gov. Mahid Mutilan para makipagnegosasyon sa paglaya ni Pierantoni.
Sa isang panayam sa mga mamamahayag, sinabi ni Adem na hindi niya ipagkakait ang kanyang magagawang pakikipagnegosasyon kung hihingin ng mga awtoridad ang kanyang tulong.
Huling namataan ang bihag na pari at ang grupong bumihag sa kanya sa baybaying-dagat ng munisipalidad ng Lanao del Sur habang inililipat siya ng lugar ng mga bumihag sa kanya bagaman hindi pa ito makumpirma ng AFP.(Ulat nina Lilia Tolentino at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest