^

Probinsiya

Pulis natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang opisyal ng Drug Enforcement Units (DEU) ang iniulat na natagpuang naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanyang sasakyan sa kahabaan ng Sta. Rosa-Tagaygay Road, Barangay Lumil, Silang, Cavite, kahapon.

Kinilala ni SPO2 Eduardo Eusebio, may hawak ng kaso ang biktima na si SPO1 Robert Lorino Rusit Jr., 43, may-asawa at nakatira sa Barangay San Antonio, Noveleta, Cavite.

Si Rusit Jr., ay natagpuang patay sa kanyang owner type jeep na kulay berde at may plakang DMH 767 na may tama ng bala sa kaliwang dibdib na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan sa tabi ng upuan ng driver.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:10 ng umaga, nang matagpuan si Rusit Jr. sa naturang sasakyang ng mga tauhan ni Barangay Chairman Leon De Guzman sa nasabing lugar.

Sa ulat ni Eusebio, binaril ang biktima nang malapitan sa kanyang sasakyan at may palatandaan na hindi nito nakuha pang lumaban sa suspek.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na kilala ng biktima ang suspek at posibleng kasama niya ito sa sasakyan.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga pulis ang pangalan ng driver na kasama ng biktima na posibleng sangkot sa krimen.

Hinihinala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang pagpatay sa biktima. (Ulat nina Ed Amoroso at Cristina Go-Tambang)

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN LEON DE GUZMAN

BARANGAY LUMIL

BARANGAY SAN ANTONIO

CAVITE

CRISTINA GO-TAMBANG

DRUG ENFORCEMENT UNITS

ED AMOROSO

EDUARDO EUSEBIO

ROBERT LORINO RUSIT JR.

ROSA-TAGAYGAY ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with