2 holdaper todas sa pakikipagbarilan sa pulis
October 19, 2001 | 12:00am
ROSARIO, Cavite Dalawang armadong lalaki na pinaniniwalaang mga holdaper ang iniulat na napatay ng pulisya makaraang makipagbarilan ang una makaraang pagnakawan ang mga pasahero sa isang jeep sa kahabaan ng Gen. Trias, Drive St., Brgy. Tejero ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang isa sa dalawang holdaper na si Lou Resurrecion ng Caloocan City habang ang kasamahan nito ay kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, hinoldap ng mga suspek ang isang pampasaherong jeep na may plakang DVY-741 na minamaneho ni Virgilio Amon dakong alas 6:50 ng gabi sa panulukan ng Hacienda Ibaba ng naturang lugar.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, namataan ng mga tauhan ni P/Chief Inps. Pablo Zorillo ang pampasaherong jeep na nagkakaroon ng kaguluhan kaya kaagad na nagresponde.
Agad naman namataan ng mga holdaper ang mga nagrespondeng pulis kaya mabilis na nagpaputok subalit gumanti ang grupo ni Zorilla na ikinasawi naman ng mga holdaper. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest