11 Sayyaf todas sa engkuwentro
October 17, 2001 | 12:00am
Labing isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang dalawang sundalo naman ang nasugatan sa tuluy-tuloy na sagupaan sa pagitan ng mga operatiba ng militar at ng bandidong grupo kahapon sa lalawigan ng Basilan.
Ayon kay AFP Southcom Chief Lt. General Roy Cimatu, ang mga bangkay ay natagpuan sa encounter site na naganap bandang alas-5:30 ng madaling-araw sa hangganan ng Brgy. Maligue at Kapayawan sa Isabela City.
"Right now, there is a lull but exchange of firefight is to be expected anytime. The group of rebels apparently want to either link up with the other rebel forces or divert attention of our men in pursuit of (Khadaffy) Janjalanis group," ani Cimatu.
Samantala, ipinagmamalaki ni Cimatu na lalong lumalakas ang operasyon ng militar laban sa Sayyaf at handa na nilang tirahin ang itinuturing na sangtuaryo ng bandidong grupo hindi lamang sa Basilan kundi maging sa Sulu.
"Our operations are shifting to high gear. We will go all-out in Basilan and Sulu and hit rebel sanctuaries to isolate the group of Janlani and (Abu) Sabaya," pahayag pa ni Cimatu.
Magugunita na nagsimula ang malapitang engkuwentro sa pagitan ng itinuturing na "main force" ng ASG at militar may dalawang linggo na ang nakararaan sa Brgy. Balatayan, Isabela City kung saan 15 bandido agad ang nasawi.
Patuloy pa rin ang military strikes sa lugar na pinagkukutaan ng mga bandido sa kagubatan ng Basilan.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest