Kinilala ng pulisya ang napatay na rebelde na isang alyas Ka Omar habang tatlo pa nitong kasamahan ay pansamantalang hindi tinukoy ang mga pangalan dahil isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon.
Ang sagupan ay naganap dakong alas-11 ng umaga habang nagsasagawa ng operation ang pinagsanib na puwersa ng Sariaya PNP, 415th Provincial Police Mobile Group (PPMG) at Intelligence operatives ng AFP (Southern Luzon Command) sa kagubatan ng nabanggit na lugar. (Ulat ni Joy Cantos)