Scientist ng Philrice misteryosong nawawala

Isang top scientist at junior government executive ng Phil. Rice Research Institute sa U.P. Los Baños, Laguna ang iniulat na misteryosong nawawala magmula pa noong nakaraang Sabado ng gabi (Sept. 29, 2001).

Humingi na ng tulong ang pamilya ni Dr. Philbert Bonilla sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang misteryosong pagkawala ng una.

Ayon sa ulat, huling nakita si Dr. Bonilla ng mga kasamahan sa ginanap na seminar-workshop sa central office ng PhilRice sa Muñoz, Nueva Ecija noong Sept. 28, (Biyernes).

Makaraan ang seminar-workshop ay nagtungo na si Dr. Bonilla sa PhilRice office sa UP Los Baños dakong alas-7:45 ng gabi na minamaneho ang isang Mitsubishi Lancer na kulay silver-gray (TCA-552) upang kunin ang ilang personal na gamit subalit hindi na ito nakauwi pa hanggang sa kasalukuyan.

Show comments