^

Probinsiya

500 US veterans kinansela ang trip sa Leyte

-
TACLOBAN CITY – May 500 US veterans ang kinansela ang kanilang trip sa Eastern Visayas sa paglahok sa tinatawag na "Sentimental Journey" dahil na rin sa ipinalabas na kautusan ni US President George Bush na nagbabawal sa mga Kano na magtungo sa ilang bahagi ng bansa dahil sa tumitinding giyera sa pagitan ng US at Afghanistan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Leyte Gov. Remedios Petilla na hindi makadadalo ang may 500 US veterans sa selebrasyon ng ika-57th Leyte Gulf Landing sa darating na Oktubre 20, 2001.

"Ang ipinalabas na advisory ng US government ay unfair dahil hindi naman lahat ng lugar sa bansa katulad ng Leyte na safe ang mga dayuhang bisita ay apektado ng nabanggit na isyu," ani Petilla.

Sinabi pa ni Petilla na handang-handa na ang lahat partikular na ang reservation ng hotel para sa mga US veterans.

Nabatid din kay Gob. Petilla na nagpahayag na ang Australian Ambassador sa Pilipinas at ang US Ambassador na kinumpirma na ang kanilang pagdalo sa nabanggit na selebrasyon.

Isa rin sa lalahok sa naturang okasyon ay ang grupo ng Tokyo war survivors at ang dalawang Japanese veterans. (Ulat ni Miriam Desacada)

vuukle comment

AUSTRALIAN AMBASSADOR

EASTERN VISAYAS

ISA

LEYTE GOV

LEYTE GULF LANDING

MIRIAM DESACADA

PETILLA

PRESIDENT GEORGE BUSH

REMEDIOS PETILLA

SENTIMENTAL JOURNEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with