Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina PO2 Dante Baluyot ng Task Force Jericho (DILG) na nakabase sa Tagaytay City at ang civilian agent na si Edwin Rosas.
Samantala, ang mga grabeng nasugatan ay nakilalang sina PO2 Noel Cordero ng Task Force Jericho at isang alyas Lita.
Tinutugis naman ng follow-up team ng pulisya ang mag-amang suspek na sina Gregorio Paredes, ex-brgy. captain at anak nitong si Apolonio Paredes ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng madaling araw nang madakip si Lita na may dalang hindi nabatid na gramo ng shabu at sa pagtatanong ay itinuro nito ang bahay ng mga suspek na nagbebenta ng droga.
Kaagad naman nagsagawa ng follow-up operation ang nabanggit na mga grupo subalit papalapit pa lamang ang mga awtoridad sa bahay ng mag-ama ay pinaputukan na sila na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawa. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)