2 kidnappers ng anak ng pulis naaresto
October 11, 2001 | 12:00am
Nailigtas ng mga awtoridad ang isang anim na taong gulang na anak na babae ng isang pulis kasabay ng pagkakaaresto sa dalawang kidnappers sa isinagawang operasyon sa Brgy. Tubig, Tanah Road, Bongao, Tawi-Tawi, kamakalawa.
Kinilala ang nasagip na biktima na si Mary Joyce Burlas Aguilos, anak ni SPO1 Agustin Aguilos, nakatalaga sa PNP Maritime sa bayan ng Bongao.
Ang mga suspects ay nakilalang sina Quinie Halun at Ednalyn Arabi, ng Lamion, Bongao ng nasabing lalawigan.
Ang pagdukot sa biktima ay naganap dakong alas-2:15 ng hapon habang ang biktima ay naglalaro sa harapan ng kanilang bahay sa Bongao ng bigla na lamang sunggaban ng mga suspects.
Ang bata ay mabilis na inilulan ng mga suspect sa isang tricycle subalit agad namang nakaradyo sa kanyang asawa ang ina ng bata.
Mabilis na nagsagawa ng blocking operation ang magkakasanib na elemento ng Tawi-Tawi Provincial Police Office (PPO), Bongao Municipal Police Station (MPS) at Marine Battalion Landing Team (MBLT) sa lahat ng exit point sa bayan ng Bongao.
Ang mga suspect ay na-trapped sa junction sa Brgy. Tubig, Tanah Road ng nasabing munisipalidad dakong 4:45 ng hapon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest