Gayunman, kasalukuyan pang beniberipika ang pa- ngalan ng mga nasugatang biktima.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pagsabog dakong alas-9:45 ng umaga sa Jos Chicken Restaurant sa Rizal St., sa naturang lungsod.
Isang LPG tank umano ang aksidenteng bumagsak at sumabog na naging ugat ng mabilis na pagkalat ng apoy sa buong bisinidad ng naturang restawrant.
Naghahanda pa lamang umano ng pagkain ang mga biktima kaya naipit sa nasusunog na kusina ang limang hindi pa nakikilalang mga biktima.
Maagap naman na nailigtas ang mga ito ng mga rumespondeng bumbero at isinugod sa Negros Occidental Provincial hospital.
Pagkalipas ng isang oras at kalahati ay naapula din ang apoy at inaalam pa hanggang sa ngayon ang halaga ng natupok na ari-arian. (Ulat ni Joy Cantos)