Kinilala ni P/ Chief Insp. Gregorio Evangelista, hepe ng pulisya sa bayang ito ang mga biktima na sina Noel Neverio, 32 at Rolando Martin, 45 ng Brgy. Niogan, Tagaytay City.
Naganap ang trahedya dakong alas 11:30 ng umaga makaraang lumagpas ang kotseng puti (NHS-500) sa naunang sasakyan subalit nakasalubong nito ang isang BLTB bus na may plakang NYG-825 na naging dahilan ng kamatayan ng dalawa. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)