Sa desisyong ipinalabas ni Associate Justice Rodolfo Palattao, sina dating Compostela Mayor Gilbert Wagas at provincial treasurers office Officer-in-Charge Dominador Maravillas, Jr. ay lumabag sa Article 217 ng Revised Penal Code.
Bukod sa hatol na habambuhay ay pinagbabayad din sina Wagas at Maravillas ng halagang P376, 618.65 bilang bayad at katumbas ng kanilang nilustay na pera mula sa kaban ng bayan.
Lumalabas sa record ng korte na si Wagas ay kumulekta ng cash advance ng halagang P376, 618.65 noong Oktubre 1991 hanggang Marso 1992 para sa provincial infrastructure at general funds.
Subalit nang suriin ng team ng auditors mula sa Commission on Audit (COA) ang nabanggit na tanggapan ay nagkulang ito ng naturang halaga.
Sa testimonya ni Maravillas, lumalabas na ang pera na kinuha ni Wagas ay mula sa revenue collectors o kaya sa assistant municipal treasurer subalit walang malinaw na ebidensyang maipakita.
Sinabi ni Palattao na nagkaroon ng sabwatan sina Maravillas at Wagas upang makuha ang nabanggit na pondo mula sa kaban ng bayan.
Ayon naman kay Wagas na ang cash advance na kanyang kinuha ay covered ng municipal council profession ordinance na may klasipikasyong Human Resource Development Intelligence Fund.
Subalit walang matibay na ebidensya si Wagas na maisumite sa korte. (Ulat ni Jose Rodel Clapano)