American national nabiktima ng Ativan gang
October 6, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS CAVITE Nasimot ang pera at alahas ng isang American national makaraang biktimahin ng Ativan gang, kahapon ng umaga.
Ang biktimang natagpuan ng mga opisyales ng barangay na walang malay sa Sitio Piela ng bayang ito ay nakilalang si Lawrence Darbi III, 46, may asawa at kasalukuyang naninirahan sa Peninsula Hotel Makati City.
Samantalang hindi naman nakilala ang suspek na sakay ng isang kotseng Seadan na mabilis na tumakas matapos na limasin ang lahat ng pera at alahas ng biktima.
Sa pahayag ng biktima sa pulisya, dakong alas-10 ng umaga habang siya ay kalalabas lamang ng Asian Development Bank sa Makati City at nag-aabang ng masasakyan pabalik sa kanyang hotel ay huminto sa kanyang tapat ang nasabing kotse at inalok sumakay.
Dahil sa nakitang maayos manamit at mukhang disente ang suspek ay nagpaunlak naman ang biktima.
Nang ito ay nasa loob na ng kotse ay binigyan siya ng suspek na nagpakilala lamang sa pangalang Robert ng isang juice can at ininom naman niya ito.
Ilang minuto lamang ay nakaramdam siya ng pagkahilo at nakatulog at ng magising ang biktima ay nasa loob na siya ng barangay hall at inaasikaso ng opisyal ng barangay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Victor Martin | 9 hours ago
By Omar Padilla | 9 hours ago
Recommended