^

Probinsiya

6 na drug pushers sinalvage ng vigilante group

-
GAPAN CITY – Pinaniniwalaang mga biktima ng summary execution ang anim na naaagnas nang bangkay na natagpuan kamakalawa sa isang liblib at madamong lugar sa San Miguel, Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Antonio Tanchoco, hepe ng Gapan City police, ang mga biktima na sina Michael Nuera, Florentino Pablo, Gerardo Pablo, Geronimo Andres, Dindo Fernando at Manolo, pawang mga residente ng Barangay Sto. Niño ng lungsod na ito.

Nabatid kay Gapan City Deputy Police Chief Insp. Ernesto delos Santos na ang mga biktima ay pinaghihinalaang mga drug pushers sa Gapan na itinumba umano ng gumagalang vigilante group sa lungsod.

Ayon sa mga saksi, ang mga biktima ay puwersahang dinukot sa kanilang bahay at isinakay sa isang van ng mga hindi kilalang kalalakihan na naka-bonnet noong Lunes ng gabi sa Sitio Maisan, Sto. Niño, Gapan City.

Iba naman ang paniniwala ng ilang residente rito at sinabing maaaring mga pulis din ang may gawa sa dumaraming bilang ng patayan sa lungsod. "Maaaring nagsuot ng bonnet ang pulis at pumatay ng mga hinihinalang pusher," ayon pa sa isang residente rito.

Sa ngayon ay umaabot sa 31 katao ang napapatay ng mga vigilante group sa lungsod, base sa rekord na naitala ng Nueva Ecija Provincial Police simula noong Agosto 31, 2001.(Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

vuukle comment

ANTONIO TANCHOCO

BARANGAY STO

CHRISTIAN RYAN STA

DINDO FERNANDO

FLORENTINO PABLO

GAPAN CITY

GAPAN CITY DEPUTY POLICE CHIEF INSP

GERARDO PABLO

GERONIMO ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with