Sa rekomendasyon ng tanggapan ng Deputy Ombudsman for Luzon, sinasabing si San Pedro Mayor Felicisimo Vierneza at Alaminos Mayor Demetrio Hernandez, Jr. ay napatunayang lumabag sa nabanggit na batas.
Kasama ni Vierneza sa kinasuhan ng Ombudsman ay sina Municipal Treasurer Toti Tolentino, Municipal Engr. Rolando Bergatino at Danilo Berciles.
Ayon sa rekord ang Ombudsman, sina Vierneza, Tolentino, Bergatino at Berciles ay nanguna sa pagpapagiba ng pader sa Southern Heights Subd. na nagresulta upang ito ay mahati.
Sa kabila ng may nakabinbing petition for injunction sa San Pedro Regional Trial Court Branch 93 ay itinuloy pa nina Vierneza ang pagpapagiba.
Kaugnay nito, si Alaminos Mayor Hernandez, Jr. naman ay kinasuhan ng paglabag sa BP-22 (talbog na cheke) na nagkakahalaga ng P3.8 milyon na ibinayad sa isang nagngangalang Manuel Reyes. (Ulat ni Grace Amargo)