Tadtad ng tama ng bala ng baril ang biktimang sina PO1 Loui Diaz Montano ng nabanggit na brgy. at Rodrigo Dominguez ng Brgy. Molino ng naturang lugar.
Samantala, nahagip naman ng stray bullets sina Carlos Cayabyab, 27 at Carlito Degunasana na kapwa miyembro ng nabanggit na task force.
Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang pangyayari dakong alas-2 ng madaling araw makaraang humingi ng tulong ang isang negosyante sa grupo ng task force dahil sa pagtutok sa kanya ng baril ni Diaz.
Nagkaroon ng girian ang magkabilang panig hanggang sa magbarilan ang mga ito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)