Mini-bus nahagip ng tren; 14 UP students grabe
October 1, 2001 | 12:00am
CALAMBA CITY, Laguna Labing-apat na estudyante ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang mahagip ng tren ang sinasakyang mini-bus ng mga biktima sa may riles ng national highway sa Brgy. Real ng nabanggit na lungsod kamakalawa.
Kinilala ni PRO4 Director Chief Supt. Domingo Reyes ang mga biktima na sina Jaymee Fernandez, 18; Jhoanna Raminto, 17; Lindsay Marquez, 16; Cecilia Remo, 18; Antonio Cometa, 18; Rica dela Cruz, 17; Analyn Alzona, 18; Cherry Nasino, 19; Jasmin Raman, 18; Joan Mata, 18; Freymon Cruz, 18; Moises Go, 18; Nichel Angela, 19 at Santa Nina, 17 na pawang mag-aaral ng UP Los Baños, Laguna.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pangyayari bandang alas-9 ng gabi habang ang sinasakyang mini-bus ng mga biktima na may plakang PYB-304 ay tumatawid sa riles.
Dahil sa bilis ng tren na patungong Bicol ay nahagip ang kaliwang bahagi ng bus na minamaneho ni Benjo Gargallo na nagresulta upang tumilapon ito ng may pitong metro ang layo malapit sa creek. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest