Bus bumulusok sa bangin, 7 patay
October 1, 2001 | 12:00am
MATNOG, Sorsogon City Pito katao ang iniulat na nasawi habang hindi pa mabilang ang malubhang nasugatan makaraang bumulusok sa bangin sa tulay ng Brgy. Manhumlad ang sinasakyang pampasaherong bus ng mga biktima sa bayang ito kahapon.
Tatlo sa pitong nasawi ay kinilalang sina Grace Garcia, Carlo Titengkingco at Paz Rebadilla na pawang mga residente ng Lauang, Northern Samar.
Samantala, ang apat pang iba ay kasalukuyang inaalam ang mga pangalan, ayon sa ulat ni P/Supt. Roque Ramirez, Sorsogon police director.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ni Ramirez, naganap ang aksidente dakong alas-12:30 ng hatinggabi habang binabagtas ng Philtranco bus na may plakang PYL-976 patungong Samar ang pakurbadang kalsada ng nabanggit na lugar.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, may sakay na 38 pasahero ang nabanggit na bus mula sa Cubao, Quezon City.
Pagdating sa Km. 644 ng naturang highway ay biglang nawalan ng kontrol ang driver sa pakurbadang kalsada na naging dahilan upang bumulusok ito sa bangin ng tulay ng Manhumlad sa bayan ng Matnog ng nabanggit na lalawigan.
Kaagad na tumakas ang driver na si Romil Binta na ngayon ay tinutugis ng pulisya upang papanagutin sa malagim na aksidente. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am